CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, February 13, 2008

Babala:wag mag basa

Pag walang magawa ang isang tulad kong tambay eh gumagala ako sa blog ng may blog. Natuto akong magbasa kahit papano ng dahil sa kanilang mga blog entries na talaga namang nahirapan ang utak ko arukin ang mga pinag susulat nila kasi nga naman ako'y isang tambay lng na walang laman ang utak.
Pero naisip ko lng na mabuti na ang ganito nalang dakilang taga basa at kahit papano eh may ipapasok din naman ako sa aking mapurol at kinakalawang na utak. Laking pasalamat ko at hindi ko sila nakakausap ng harap harapan at baka mahirapan akong intindihin ang mga sinasabi nila ( yan eh kung may mag tiyaga kayang kumausap sa akin). Kung mahirapan man ako sa pag kakataong yon, sa palagay ko mas mahihirapan sila sa akin ipaliwanag ang mga bagay na di ko maarok at syempre dahil sa may pinag aralan sila, kailangan nilang bumaba sa antas ng aking pang unawa.
Ang hirap siguro nun para sa kanila na maging mapili sa mga salitang gagamitin na kaya kung unawain...
Sa tingin mo, kaya kaya nila?
Nah!!!! sa tingin ko di mo ako masasagot dahil di mo na kaya basahin ang pinag susulat ko dito. Alam ko naman na walang kwenta. Kaya kong ako sayo..tama na ang pag babasa at salamat na din sa oras na sinayang mo sa isang tulad kong walang kwenta!!!!

0 comments: